PAANO ANG MAGMOVE ON



Bumilang ako ng isa dalawa tatlo. tatlong bwan ang inabot bago ko nalaman.
Na ang bigla mong panlalamig ay may matinding dahilan.
Akala ko nung una ang lahat ay simpleng tampuhan lang.
 Ang hindi ko alam gawa gawa mo lang lahat dahil meron ka ng ibang pinagpapa iinitan.


Andami kong tanong sa aking sarili.
Anong naging kasalanan ko at bakit ito sa akin nangyari.
Meron ba ang nagawa sayong pagkakamali at bakit ganito ang iyong iginanti?
Bakit para sayo ang ipagpalit ako sa iba'y napakadali.


Kahit niloko mo ako't ginawang tanga.
Handa pa din sana akong magpatawad at ipagpatuloy ang nasimulan nating dalawa.
Pero ikaw na nga ang nagkasala ikaw ang matapang pa.
Na sabihan akong tanggapin nalang lahat at mag move on na.


Ganun ba kadaling mag move on para sayo.
O sadyang wala akong halaga kaya walang kahirap hirap kang kalimutan ako.
Na kahit nakita mo akong nasasaktan at umiyak ng todo todo.
Ni di mo magawang magsorry at piliing itama ang mali mo.

Move on? Oo nga't anim na letra dalawang salita lang ito.
Napakadaling bigkasin lalo na para sa mga taong kagaya mong manloloko.
Pero para sa aming mga loyal at seryoso,
Ilang araw, bwan at taon ang aming bibilangin bago magawa ito.


Paano nga ba ang mag move on?
Kung palaging ang mga masasayang ala ala nating lumipas ang syang naalala san man dako ako lumingon.
Ano ang kailangang gawin para sugat na dulot mo mabilis maghilom.
Sapagkat napakasakit paring isipin ang nangyari kahit pa lumipas na ang isang taon.


Para sa akin hindi madaling mag move on.
Pero kailangan kong pilitin ang sarili kong bumangon.
Kung ito nga ang hinihingi ng tadhana at pagkakataon.
Kailangang magpakatatag at magsimulang sumulong at at ihanda ang sarili na haharap sa mga darating na panibagong hamon.


Comments