KUNG MAHAL MO IPAGLABAN MO

Ako'y nadepress, lumuha at sobrang nasaktan. Dahil sa pagtalikod mong wala man lang akong kaalam alam. Ang inaakala ko tayo pa rin at walang iwanan. Di ko lubos inakala, matagal ng hiwalay ang sinasabi mo sayong mga kaibigan.

Kaya pala ayaw mo na ikaw ay puntahan. Kaya pala ayaw mo akong ipakilala sa mga bago mong kaibigan. May bago ka palang binibigyan ng atensyon at nililigawan. Kaya pala madalas nagagalit ka sa akin sa di malamang dahilan.


Matagal na pala akong mukhang tanga. Dahil sa matinding pagmamahal sayo di ko man lang nagawang magduda. Ano mang alibi mo ako'y agad naniwala. Pagkat naniwala akong sa tagal nating nagsama di na tau maghihiwalay pa.

Kaya sobra akong nalungkot nung nalaman ko ang totoo. Ilang gabi akong umiyak ng todo todo. Paggising sa umaga mata ko'y laging mugto. Sa sobrang sakit daig pa ang kutsilyong tumarak sa dibdib ko.

Buti nalang meron akong mga totoong kaibigan. Bagamat bagong kilala sila'y nagmalasakit sa aking naramdaman. Lagi nila akong pinapasaya at pinapayuhan. Handa silang umagapay sa akin para makabangon muli sa ginawa mong pag iwan.

Payo nila sa akin kung mahal mo iyong ipaglaban. Lalo na at may anak kayo at magatal na ang iyong pinagsamahan. Pero paano ako lalaban kung umpisa palang ako na ang talunan. Paano ako lalaban kung ang sandata ng babae mo granada samantalang ako'y baril barilan lang.

Kaya ko nasabing baril barilan lang ang aking sandata. Dahil mukhang ako lang ang nagmahal ng totoo sa ating dalawa. Pagkat sa sampung taon nating nagsama. Ni di ko man lang naramdamang special ako pagkat kahit anniversary natin d mo man lang tanda.

Kung sana ramdam kong ako'y mahalaga. Handa sana akong lumaban kahit pa masaktan ako at lumuha. Pero sa pinapakita mong kawalan ko ng halaga. Di bale ng lumuha ako sa pagkawala mo kesa sa patuloy lang akong masaktan at umasa.

Oo hindi lahat ng mahal natin kailangan ipaglaban. Kailangan alamin muna natin kung ito'y may patutunguhan. Ngunit kung sa simula palang di ka naman pinahalagahan. Mas mabuti ng bumitaw at itigil na ang pagtanga tangahan.

Comments